Page 1 of 4 1 2 3 ... LastLast
Results 1 to 10 of 34
  1. #1

    Post Isang gabay kay Invoker [Unfinished] - Jim

    [GUIDE] Paano Gamitin si Invoker - Jim
    [ upang maging OWNING!!!]


    Ni: NinjaMovesPro



    Si Carl, ang Invoker




    Kasaysayan


    Spoiler:
    Yow mga dre at mga ahm mre?! Ako ito, si MrTripleX, ang sumulat ng dating "Isang Gabay kay Invoker (For Pubs)"! Ang gabay kong ito ngayon ang magiging final version ng invoker hero guide na iyon sa tagalog<3 version parin. Kinailangan kong gumawa/magpalit ng username (ngayon ay NinjaMovesPro) dahil napapangitan na ako sa GG name na MrTripleX. Kaya naman ang bagong awtor ng gabay na iyon ay NinjaMovesPro na at di na MrTripleX. Pasensya na muna pala kasi wala pang images ang mga skill ni Invo rito dahil nagkaproblema ako sa image system ng word processor na ito. But i'll fix this little problem soon. Ngayon, maupo ka lang at mag-enjoy sa pagbabasa rito na ginawa para talaga sa'yo! ;]


    MGA NILALAMAN


    1. Panimula
    a. Ang simula ng Invoker

    2. Mga Spell
    a. Ang mga orb at ang libro ni Invo
    b. Ang mga na-invoke na skill
    c. Paggamit ng Invoke


    3. Mga Build
    a. E-W "The nuker type semi-carry"
    b. E-Q "The summoner type semi-carry"
    c. W-Q "The disabler type semi-carry"
    d. Q-W "The support-type build"


    4. FAQs

    5. Tungkol

    6. Pangwakas


    :::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::: :::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::: ::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::


    1. PANIMULA (na salita ng may akda)

    Si Invoker ay halos palaging bina-banned sa -cm sa kadahilanang sya ay napakaisturbong support at/o nuker sa kalaban. Ito ay dinesenyo parehong para sa mga beginner at sa mga expert. Ito rin ay dinesenyo sa public games at competitive games. Ang halos lahat ng mga kailangan mong malaman/matutunan kay Invoker ay narito na lahat. ;]

    Sa pamamagitan nito, matututunan mo kung paano gamitin ang pinakamahirap sa lahat ng hero, si Carl, ang Invoker. Gayunpaman, si Invo ay mahirap lamang pag-aralan ngunit madaling ma-master. Napansin
    kong napakaraming hindi pa marunong gumamit sa hero na ito kaya nawalan ako ng gana at isinulat ito. Susubukan kong i-unlock ang lahat ng potentials ni Carl dito upang maipakita sa inyo na siya ay isang omnimage (isang napaka-makapangyarihang nilalang). Simulan na ang pag-eensayo!

    A. Ang simula ng Invoker

    chillax, sit back and enjoy watching this video ;]


    Wansapanataym, sa isang malayong-malayong lugar, naubos ang lahi ng mga invoker at tanging si Kael lamang ang natira. Sa pagkauhaw nya sa paghihiganti, ibinenta nya ang kanyang kaluluwa kay NerZhul at bilang kapalit, nakatanggap sya ng walang hanggang kapangyarihan. Sya ay nakipagdigma gamit ang tatlong elemento sa ilalim ng kanyang makapangyarihang mga salita. Sa pamamagitan ng kanyang pagbulong sa mga elemento ay nadadaig nya ang mga humaharang. Walang makakatulad sa kahenyohan nyang taglay at ang Sentinel ay dapat manginig sa masamang pangitain na inihahatid ng invoker!

    :::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::: :::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::: ::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

    2. MGA SPELL

    A. Ang mga orb at ang libro ni Invo

    Quas (Q)
    (1stOrb,Tubig) Nagbibigay ng +2 strength passively sa bawat upgrade at 7 HP regeneration per second kapag max na. Pindutin ito 3x ("QQQ") upang mapabilis ang regeneration ng HP. Ang HP regeneration na maitutulong ng
    Lv1 na Quas ay tulad sa RingOfRegeneration at ang Lv2 naman na Quas ay parang RingOfHealth ang kahambing. Kaya naman kung may at least Lv2 ka na Quas sa early game, you can stay and farm in the lane longer.

    Wex (W)
    (2ndOrb,Hangin) nagbibigay ng +2 agility passively sa bawat upgrade at 14% attack speed at 7% movement speed kapag max na. Pindutin ito 3x ("WWW") upang makatakbo ng mabilis lalo na kapag hinahabol o para
    mapabilis lang ang attack speed.

    Exort (E)
    3rdOrb,Apoy) nagbibigay ng +2 intelligence passively sa bawat upgrade at +21 damage kapag max na. Pindutin ito 3x ("EEE") para mapalaki ang normal attack damage.

    Invoke (R)
    (4thSlot,Libro) Pinagsasama-sama ang tatlong mga elemento (QQQ, QQW, QQE, QWE, EEE, EEQ, EEW, WWW, WWQ, o WWE) upang makabuo ng isang skill. Ang pag-i-invoke ng spell ay ipapaliwanang sa "The Art Of Invoking" section pagkatapos ng skills exlination sa ibaba.

    B. Ang mga na-invoke na spell (10)

    1. ChaosMeteor
    - E+E+W+R (D) *D - skill hotkey
    - manacost: 200
    - cooldown: 55 secs
    - type: maraming damay (275 AreaOfEffect)
    - Kapag maxed na ito, 290 ang damage nito per second. Ang bulalakaw na ito na kapag itinira sa lupa ay may isa at kalahating segundo pa upang malaglag kaya it is advised na itira ito in advance at pag-insayuhan. Upang siguradong di ito maiiwasan, haluan ng ColdSnap, DefeaningBlast o stun/slow mula sa iyong allies.

    2. ColdSnap
    - Q+Q+Q+R (Y)
    - manacost: 100
    - cooldown: 20 secs
    - Ito ay parang first skill nina Enigma at Clockwerk na ang epekto ay ministun. Kaya lang hindi naa-activate ang ministun nito kung walang damage na patuloy na tinatamo ang kalaban. Kaya ibig sabihin, ititira mo lang ito sa kalaban kung may umaatake sa kanya (allied reeps, towers o heroes) dahil kung wala, ito ay halos walang silbi. Narito ang mga skills at items na magandang i-combine sa ColdSnap dahil may damage per second: first skill nina Thrall, Venom, QoP, etc., ChaosMeteor,
    ForgeSpirits, EMP, IceWall, UrnOfShadows, Radiance at OrchidOfMalevolence. Sa ChaosMeteor+ColdSnap combo, antayin mo munang malaglag ang bulalakaw bago mo tirahin ng ColdSnap ang target. Kapag maxed o level 7 na ang iyong Quas, ang duration nito ay 6 seconds at ang mini stun cooldown ay 0.6 secs. Ito ay may initial na 60 damage sa iyong pagtira.

    3. DefeaningBlast
    - Q+W+E+R (B)
    - manacost: 200
    - cooldown: 40 secs
    - type: maraming damay (225 AoE)
    - Kapag maxed na ang Exort, 280 ang damage nito at kapag maxed na ang Wex, umaabot sa 4 secs ang stun nito. Ang mga natatamaan nito ay nasta-stunned at natatapon paatras. Dahil dito, ito ay mabuting pantakas at pang-co bo sa ChaosMeteor. Sa combo, antayin mo munang malaglag ang bato b go mo ito itira.

    4. Tornado
    - W+W+Q+R (X)
    - manacost: 150
    - cooldown: 25 secs
    - type: maraming damay (200 AoE)
    - Ang mga natatamaan nito ay napapaikot sa itaas (tulad ng Eul's) at sa pagkalaglag nila ay nakakatamo pa ng damage ang kalaban. Kapag maxed na ang Quas, ang durasyon ng stun ay 2.5 secs. Kapag maxed na rin ang Wex, ang distansya ng ipuipo ay 3200. At kapag pareho ng maxed ang Quas at Wex, ang damage nito ay 375. Kaya naman, maganda itong pantakas at panghabol din sa kalaban. Narito ang mga combo gamit ang skill na ito: Tornado+ChaosMeteor+DefeaningBlast combo, Tornado+EMP combo, at Tornado+EW combo.

    5. SunStike
    - E+E+E+R (T)
    - manacost: 175
    - cooldown: 30 secs
    - type: maraming damay (175 AoE)
    - Ang damage nito ay 450 kapag max na ang Exort ngunit kapag marami ang natatamaan nito, ang damage ay nahahati.. Ito ay may 1.7 secs na delay bago sumabog. Ginagamit ito sa mga mamamatay na na pauwing kalaban. Ang pag-asinta gamit ng skill na ito sa kalaban ay tulad lamang ng paggamit ng first skill ni Kunkka kung saan ay nag-aadvance ka.

    6. Alacricity
    - W+W+E+R (Z)
    - manacost: 50
    - cooldown: 15 secs
    - type: bina-buffs sa sarili o sa allied creeps o heroes
    - Nakapagbibigay ng increased attack speed (90% kapag max na ang Wex) at normal attack damage (bonus 90 damage kung max na ang Exort) sa loob ng 9 segundo. Dahil dito, pogi itong gamitin sa farming, pushing at ganking.

    7. GhostWalk
    - Q+Q+W+R (V)
    - manacost: 200
    - cooldown: 60 secs
    - type: nakakapagpa-invisible instantly - Kapag invisible ka na, naslo-slow ang mga kalaban sa paligid ng 40% kapag maxed na ang Quas at di na naslo-slow ang iyong sarili kapag max naman ang iyong Wex. Di mawawala ang iyong pagiging invi kung di mo pinindut ang 'Q', 'W', o 'E'. Kung ang plano mo ay mang hunt, press mo muna ang "WWW" bago ka mag-GhosWalk para bumilis ang iyong movement speed.

    8. ForgeSpirits
    - E+E+Q+R (F)
    - manacost: 75
    - cooldown: 30 secs
    - type: summoned units tulad ng first skill ni Lycantrope
    - Tinutunaw nito ang armor ng kalaban (by one) sa bawat attack nila. Kapag max na ang Quas, nagtatagal ang mga summon ng 80 secs, nagkaka-range sila ng 900 at nagiging 40 nalang ang manacost. Kapag max naman ang Exort, ang base armor ng mga summon ay 8, ang damage na ay 83, at may HP na 900. Kung ang Quas at Exort ay pareho ng Lv4, dalawang ForgeSpirits na ang maaaring i-summon ngunit isang grupo lamang ng ForgeSpirits ang maaaring i-summon. Ginagamit ito sa farming at pushing.

    9. IceWall
    - Q+Q+E+R (G)
    - manacost: 175
    - cooldown: 25 secs
    - type: slow sa mga kalaban at may damage over time
    - Matapos mong mapindut ang 'G', lalabas ang isang dingding ng ice sa harap ni Invo. Kapag max na ang Quas, nakaka-slow ng 140% at tumatagal ng 12 segundo at kapag max na ang Exort, ang damage ay 42 per second. Dahil sa slow nito, mabuti itong pantakas at pang-disable sa kalaban na nasa harapan. Perpekto itong gamitin kung may kalaban kayong napatay ng
    allies mo na naka-aegis at mabubuhay ulit in a few secs kaya magpapalabas ka ng IceWall sa kanyang bangkay para sa pag-respawn nun, maslo-slow sya ng todo-todo. Medyo mahirap itong iasinta kaya nangangailangan ng ensayo.

    10. EMP
    - W+W+W+R (C)
    - manacost: 125
    - cooldown: 25 secs
    - type: maraming damay na manaburn (675 AoE)
    - Kapag max na ang Wex, ang manaburn ay 400 at ang delay bago sumabog ay 2 secs. Dahil sa may delay ito bago sumabog, kailangan mong haluan ng Tornado (EMP+Tornado combo) o DefeaningBlast (DefeaningBlast+EMP combo) upang di maiwasan.

    Ito ang video ng bawat skills ni Invo:



    C. Paggamit ng librong Invoke

    Narito kung paano ang sineng ng Invoking:


    Invoke Lv1
    - required level ay 2
    - maaaring makapag-invoke ng isang skill
    - 22 secs cooldown (16 secs with Aghanims)

    Invoke Lv2
    - required level ay 7
    - maaaring makapag-invoke ng dalawang skill
    - 17 secs cooldown (8 secs with Aghanims)

    Invoke Lv3
    - required level ay 12
    - maaaring makapag-invoke ng dalawang skill
    - 12 secs cooldown (4 secs with Aghanims)

    Invoke Lv4
    - required level ay 17
    - maaaring makapag-invoke ng dalawang skill
    - 5 secs cooldown (2 secs with Aghanims)


    * Kapag Lv1 ka pa, di ka pa maaaring mag-invoke o magpalabas ng spell o skill. Kung ano man yung na-upgrade mong orb, pindutin mo yun nang tatlong beses para makatulong sa stats mo. Pag ka Lv2 ka na makakapagpalabas skill.

    * Mula sa levels 2 hanggan 6, isang skill na ang pwede mong mapalabas - pag ka Lv7+ ka na makakapagpalabas ng dalawang skill. Upang makapagpalabas ng dalawang skills kahit isa lang ang pwede, halimbawa ng ChaosMeteor+ColdSnap combo, follow this steps: press "EEWR" para mapalabas ang ChaosMeteor; antayin mong mag-cooldown ang Invoke skill; ngayon, find a target; finally, itira mo ang 'D' (ChaosMeteor) sa kalaban at dali-daling pindutin ang "QQQR" at itira ang 'Y' (ColdSnap)
    sa target.

    * Mula sa levels 7 at pataas, dalawang skills na ang pwede mo lang mapalabas. Upang makapagpalabas ng tatlong skills kahit dalawang skills lang ang pwede, halimbawa ng Tornado+EMP+DefeaningBlast combo, follow these steps: press "WWWR" para mapalabas ang Tornado; antaying mag-coold down ang Invoke skill; then, press press "WWWR" para mapalabas ang EMP; antaying mag-cooldown ang Invoke skill; ngayon, find a target; finally, itira ang 'W' (EMP) sa target sunod ang 'X' (Tornado) at dali-daling pindutin ang "QWER" at itira ang 'B' (DefeaningBlast).

    * Teach yourself invoking in -wtf game mode dahil sa aktuwal na laro na, ang iyong mga kamay sa keyboard ay dapat nag-aapoy sa bilis! Bukod sa bilis, kailangan mo ring pag-ensayuhan ang accuracy sa keyboard typing at baka mali o kulang ang napindot mong orb kaya iba o walang skill na tuloy ang lalabas! Halimbawa, biglaan kang na-hunt kaya kailangan mong magpa-invisible kaagad. Pipindutin mo ang "QQWRV" para makapag-GhosWalk ngunit kung namali yun, halimbawa naging "QWRV", walang lalabas na spell kaya mamamatay ka di dahil sa kaliksihan kundi sa kapalpakan.

    * Kapag Lv4 na ang iyong Invoke spell at naka-Aghanims ka na (2 seconds nalang ang cooldown ng Invoke spell), makakaya mo ng gumawa ng apat hanggang siyam na skill combos! Ang pinaka-the best ay ang ForgeSpirts then Tornado+EMP+ChaosMeteor+DefeaningBlast+IceWall+Col dSnap+Sunstrike combo. Siyam na skills, kaya? Sa katunayan, sobrang sisiw lang nito kung marunong ka ng mag-type nang di na tumitingin sa keyboard.


    :::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::: :::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::: ::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

    3. MGA BUILD

    Lumalagpas sa sampung skill builds ang pwedeng gamitin kay Invo ngunit apat lamang doon ang, sa tingin ko, pinakagumagana sa lahat. Ang apat na uri ng pinakamalakas sa lahat na Invoker skill builds ay ang mga sumusunod:

    A. E-W: "The nuker type semi-carry" (ChaosMeteor-SunStrike build)

    Tinawag itong E-W build dahil sa unang pinapa-max ang Exort sunod ang Wex at panghuli na ang Quas. Dahil sa malaking level ng Exort, magiging napakalakas ni Invo sa farming, harassing, pushing at killing. Dito ay kaya mong pumatay ng isa o higit pang kalaban sa isang combo ng skills kahit walang tulong mula sa mga ally. Napakalakas nito sa public games!

    Skill build, skill combos at game strategy:

    1 E
    2 R *Simulan na ang paggamit ng SunStrike.
    3 W *Simulan na ang paggamit ng ChaosMeteor at/o Alacricity o ChaosMeteor+Alacricity combo.
    4 Q *Simulan na ang paggamit ng GhosWalk para tumakas.
    5 E
    6 E
    7 R *Simulan na ang paggamit ng ChaosMeteor+ColdSnap o ChaosMeteor+DefeaningBlast combo.
    8 E
    9 E
    10 Q
    11 E
    12 R *Simulan na ang paggamit ng pinakabagong combo: Tornado+ChaosMeteor+DefeaningBlast.
    13 E *Dapat ay level 7 na o maxed ang Exort ngayon dito.
    14 Q
    15 Q *Simulan na ang pag-summon ng ForgeSpirits. Pareho ng Lv4 ang Exort at Quas mo ngayon kaya dalawang summon na ang lalabas.
    16 W
    17 R *Kinuha ang Invoke kung kailan ito ay availlable sa levels 2, 7, 12, at dito, 17.
    18 W
    19 W
    20 W *Simulan na ang paggamit ng Tornado+EMP combo para sa opensa/depensa lalo na kung cooldown ang ChaosMeteor.
    21 W
    22 W
    23 Q *Maari mong gamitin ang GhostWalk+IceWall+ColdSnap combo
    24 Q
    25 Q

    Upang mas madaling masaulo ang E-W skill build, simply get 1x Exort, 1x Wex, 1x Quas, then 6x Exort, 3x Quas, 6x Wex ... 4x Quas. Get Invoke (R) a.s.a.p.

    Item Build

    Starting: 3x GG branches, 1x Circlet, 1x Salve, 1x Tanggoe
    Core: Bottle, Bracer->A.Janggo of E., (or rush) Aghanims
    Luxury: Guinsoo, Shivas

    Other useful items:
    ForceStaff - Mabuting pangtakas at pang-combo sa IceWall (ForceStaff+IceWall combo).
    GhostScepter - May Barathrum ba, F.Void, Rikimaru o Ursa sa kalaban?

    Laning

    (1) Kung Organized games, kahit saang lane - trilane man o solo.
    Replay: My Invo 20-1 (-cm, 1.26, GG Msk MI, Lv30+ foes)

    (2)
    Kung public games, kahit saan. Doon sa top/bot,
    dapat ay stunner/slower ang kasama mo para laging sure ang kill.
    Replay: My Invo 20-0 (-so, 1.24d, LAN)

    Soloing Roshan at Lv15


    1. Silip muna sa right rune baka may double damage.
    2. I-tank ang dalawang ForgeSpirits.
    3. Tirahin ng ColdSnap si Roshan.
    4. Mag-buff ng Alacricity sa sarili.
    * Pag na-expire na ang ColdSnap at Alacricity, buff ka ulit.
    * Pagkaubos ng dalawang ForgeSpirits summon ka ulit.

    Mastering Invoking

    Ito ang pinakaimportanteng seksyon sa guide ko. Teach yourself with Invoker using this build on AI maps. Hwag kang tumigil hanggang di ka mag-godlike sa -apne game mode. Pag nagtagumpay ka na, hwag mo ng i-normal exp (-ne). Kapag nag-godlike ka parin, siguradong magiging mahusay ka na sa tunay na labanan! Ito ang ginagawa ko nuon at nakita kung epektibo kaya ito ang tinuturo ko ngayon. Ang latest AI na map, 6.70 at 6.72f AI, ay mahirap kontrahin.
    Replays: My Invo 1v5, 6.70 AI, 1.24d, 22mins, 35-1 New Invo 1v5, 6.72f AI, 1.24d, 30mins, 40-5

    B. E-Q: "The summoner type semi-carry" (ForgeSpirits-ColdSnap-Alacricity build)

    Dito, unang i-ma-max ang Exort at Quas upang mapa-upgrade ang ForgeSpirits at ColdSnap nang maaga. Ang skills na palagi mo lang gagamitin dito ay ForgeSpirits, ColdSnap, Alacricity, Sunstrike at IceWall. Si Invo rito ay isang pusher at maliban dito, isa ring "tanker". Alalahanin na ang Invo mo rito ay isang summoner kaya kung di ka magva-vanguard, mas mauuna ka pang mamamatay kaysa sa mga summons mo sa team balttles.

    Skill Build

    1-5 E R W Q E
    6-10 E R E Q Q
    11-15 Q R E E E
    16-20 Q R Q Q W
    21-25 W W W W W

    Upang mas madaling masaulo ang E-Q skill build, simply get 4x Exort, 4x Quas, 1x Wex, then 3x Exort, 3x Quas, and last, 6x Wex. Get Invoke (R) a.s.a.p.

    Game Strategy

    Sa Lv1, Exort upang mapadali ang farming sa lane.
    Sa Lv2, Invoke upang magkaroon ng SunStrike in case of emergency. I-upgrade ang Invoke hanggat maaari.
    Sa Lv3, Wex upang magkaroon ng Alacricity. Sa level na ito, simulan na ang pagba-buffs ng Alacricity sa sarili upang mas mapadali ang creepings at
    mapatindi ang harassing.
    Sa Lv4, Quas upang makapag-invoke ng GhostWalk in case of emergency.
    5-10: Habang di ka pa Lv11, ChaosMetoer+DefeaningBlast o ChaosMeteor+ColdSnap muna ang iyong gamitin sa team clash dahil di pa kompleto ang summons
    mo.
    Sa Lv11, pareho ng Lv4 ang Exort at Quas mo ngayon kaya dalawang ForgeSpirits na ang lalabas kapag nag-summon ka - hindi na isa. Mula sa level na to, ForgeSpirits, ColdSnap at Alacricity na ang iyong palaging gagamiting skills.
    13-15: Minax ang Exort upang mas ma-upgrade ang ForgeSpirits (Damage, Armor at HP).
    16,18-19: Minax ang Quas upang mas mapatindi ang kapangyarihan ng ColdSnap.
    20-25: Ipinahuling minax ang Wex dahil panghuli mo ng gagamitin ang Tornado at EMP.

    *Pang organized games ang game strategy na ito kaya puro pang support ang
    itsura ng skill build. Kung public games, max Exort and Wex para
    ma-upgrade ang Alacricity.

    Item Build

    Ayos parin kahit di ka na mag-Aghanims sa build na ito dahil matagal mag expire ang summons kaya di mo kailangan ang mabilis na cooldown ng Invoke.

    1. Kapag puro softies ang kalaban - PhaseBoots > OblivionStaff > HelmOfDominator > OrchidMalevolence > LinkenSphere > AssaultCuirass.
    2. Kapag kayo ang puro softies at may tanks sa kalaban - PowerTreads(str) > Vanguard > HoodOfDefiance > LinkenSphere > Shiva'sGuard.
    3. Kung pubs ang laro mo, kahit ano pwedeng i-items mo.

    Replay: Team GGnet, -cm, 1.24, push strategy


    C. W-Q: "The disabler type semi-carry" (Tornado-EMP build)

    Tinawag na W-Q dahil unang ima-max ang Wex sunod ang Quas at panghuli ang Exort. Dahil sa malaki ang level ng Wex at Quas, nabo-boost nito ang HP at armor ni Invo paunti-unti, napapabilis ang HP regeneration, at napapabilis ang attack at movement speed. Dahil sa napaka-defensive nito, mahirap patayin si Invo lalo na kapag tumatakbo. Ang papel ng Invo dito ay disabler at support. Dito nga lang ay walang sure-dead-combo si Invo ngunit meron namang painful disables (slows, stuns, at manaburn) na siguradong sisira sa line up ng mga kalaban. Sa build na ito, si Invo na ang pinakadabest sa lahat ng hero pag dating sa pagsu-support lalo na kapag naka-aghanims.

    Skill build, skill combos and game strategy

    1 Q
    2 R *Simulan na ang paggamit ng ColdSnap.
    3 Q *Mas pinalakas ang kapangyarihan ng ColdSnap
    4 W *Maaari mo ng gamitin ang EMP. Kapag tumama ito kahit daplis, -100 mana na ito sa kalaban kahit level 1 pa. Gamitin din ang GhostWalk pangtakas.
    5 W
    6 Q
    7 R *Simulan na ang paggamit ng Tornado+EMP+ColdSnap combo.
    8 W
    9 W
    10 E *Kinuha upang magkaroon ka na ng IceWall.
    11 W
    12 R *Simulan na ang paggamit ng Tornado+EMP+IceWall combo.
    13 W
    14 W
    15 Q
    16 E
    17 R **Kinuha ang Invoke kung kailan ito ay availlable sa levels 2, 7, 12, at dito, 17.
    18 Q
    19 Q
    20 E *Simulan na ang paggamit ng ChaosMeteor para sa creeps waves; ang paggamit ng DefeaningBlast para sa pensa/depensa; at ang Tornado+IceWall combo sa kalaban.
    21 E
    22 E *Simulan na ang pagsu-summon ng ForgeSpirits.
    23 E
    24 E
    25 E Gamitin ang lahat ng iyong mga natutunan sa E-W skill combos.

    Upang mas madaling masaulo ang W-Q skill build, simply get 2x Quas, 7x Wex, 1x Exort, then 5x Quas, and last, 6x Exort. Get Invoke (R) a.s.a.p.


    Item Build

    Ito ang mukha ng pinakagumaganang Wex-type item build:

    Starting: 3x GGbranches, 1x RingOfProtection, 1 salve, 1 Tanggo
    Core: RingOfBasillus, MagicWand, Eul's (for mana regenaration at pang-combo sa EMP), Janggo
    Luxury: Aghanims, Guinsoo

    Laning

    (1)Kung Organized games, kahit san basta solo ka sa lane.
    Replay: iWeb vs HIV,
    KoR vs DS at ExtremeNoobs vs Yummy [pili lang]

    (2)Kung public games, kahit saan. Puwede nga mag-afk ka lang sa fountain eh.
    Replay?
    Di na ito kailangan pa. Actually, walang kwenta sa pubs ang Invoker W-Q type dahil ang uri nito ay hindi kill-stealer at wala kang siguradong hitter na ally para i-support.


    Videos

    Sa video, wala pang buong video sa youtube na Wex ang build kaya sa WoDota Top 10 Weekly ka nalang tumingin kasi minsan ay may imba replay doon na matututunan mo.

    Soloing Roshan at Lv9

    Makakaya mong solohin si Roshan as early as Lv9 dahil summoner type Invoker ka. Ito ay mas madaling gawin kung naron ka sa pubs. Ang skill build ay iba - parang ganito:
    1 E
    2 R (Invoke Lv 1)
    3 E
    4 Q
    5 E
    6 Q
    7 E (E Lv4)
    8 Q
    9 Q (Q Lv4)

    * Sinigurong nag-Lv4 na ang orbs na E at Q upang dalawang Forge Spirits ang lalabas kapag nag-summon ka na. Ngayong alam mo na ang skill build, panuorin mo na ang video na ito: How to kill Roshan with Invoker on Lv9


    D. Q-W: "The support-type build" (ColdSnap-Tornado build)


    Ang stats na maitutulong nito sa hero mo ay halos kapareho lang sa W-Q build. Dito, hindi naman talaga ipapa-level 7 ang Quas agad kundi kukuha lang ng mga apat na level niyon para mapa-upgrade ang ColdSnap at pagkatapos, Wex na ang ima-master upang ma-upgrade ang lakas ng Tornado na skill.

    Skill build, skill combos, bagong item build (dahil support ka na), at ang game strategy

    1-5 Q R Q W Q
    6-10 W R Q W W
    11-15 E R W W W
    16-20 Q R Q Q E
    21-25 E E E E E

    Upang mas madaling masaulo ang Q-W skill build, pagpantayin mo lang ang levels ng Quas at Wex at ipahuli ang Exort. Get Invoke (R) a.s.a.p.


    UrnOfShadows
    PowerTreads(str)
    Sentry/Observer wards/DustOfAppearance/SmokeOfDeceit
    Aghanims


    Ang build na to ay ginagamit lamang sa trilane sa organized games. Doon ka sa top/bot kung saan may trilane. Hilahin mo ang mga neutral creeps doon at dalhin sa iyong mga creeps. For better results, gamitin ang neuts creeps stacking strategy. Ang pinakamabuti mo namang kasamang support sa lane ay si Thrall dahil sa napaka-combo ng first skill nya sa ColdSnap mo. Tulad ng ibang mga support, ang trabaho mo ay mag-ward, mag-baby-sit, at mang-gank sa iba't ibang lugar. Sa early game, ColdSnap at Tornado ang iyong disables at Tornado+EMP naman sa mid game. Mag GhosWalk ka upang makaiwas sa deaths. Usually, natatapos na ang laro bago ka pa mag level 15.

    Replay: -cm, 1.24e

    :::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::: :::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::: ::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

    4. Mga karaniwang katanungan (FAQs)

    Nakalakip narin dito kahit ang mga estupidong katanungan.

    Tanong: Ba't di mo tinuro dito ang mag-maphack para laging sapul ang SunStrike?
    Sagot: Iyan ay pandaraya. Umalis ka tarantado.

    Tanong: Ba't natalo ako samantalang na-master ko na ang lahat ng mga itinuro mo rito?
    Sagot: Sisihin mo ang allies mo.

    Tanong: When to pick and when not to pick Invoker?
    Sagot: Kunin si Invoker kahit kailan mo gusto. Ang kakayahan ni Invo ay para sa lahat ng okasyon (push strategy, etc).


    Tanong: Alin sa apat doon ang pinakadabest na build kay Invoker at bakit?
    Sagot: Kung public games, E-W build. at Kung -cms, ang W-Q at E-Q build . Pareho silang malakas ngunit magkaiba. Gamitin ang W-Q kung ang mga picks ng kalaban ay masarap i-mana burn (hal, Balanar, Batrider, Leoric, Sven, Magnus, atbp) at gamitin naman ang E-Q kung ang mga kalaban ay may malalaking mana at gagamit ng Linkin Sphere (hal, QoP, WR, PotM, atbp) mga hero na gagamit ng Avatar (hal, SF, DK, atbp) at sa mga hero na di nangangailangan ng avatar at Linking ngunit malakas na (hal, Spectre, Huskar, atbp). Sa konklusyon, ang skill build na gagamitin kay Invo ay depende sa mga kalaban.

    Tanong: Kailan gagamitin ang Exort nuker build (E-W), Exort summoner build (E-Q), Wex build (W-Q), at Quas build (Q-W)?
    Sagot: E-W build kung gusto mong gumawa ng isang team kill. E-Q kung gusto mong maging summoner/pusher. W-Q kung maraming masarap i-mana burn na heroes sa kalaban. Q-W kung ang kasama mong support ay si Thrall o Venom.

    Tanong: Sa gameplay option, alin ang mas maganda kapag naglalaro ka ng invoker: naka-always show hp bar o press alt key ka nalang?
    Sagot: Kung sanay ka na sa default option na hino-hold pa ang Alt (Alternative) key, bakit hindi? Pero, katulad ng pagko-control kay meepo, mas magiging magaan ang iyong pakiramdam habang gamit si Invoker kapag naka-always show hp bar ang option mo . Ito ay dahil sa libre kang pindutin ang mga keys sa keyboard kasi di mo na poproblemahin pa ang mag-hold down at mag-hold out ng Alt key na yan sa paglalaro.

    Tanong: Beginner pa ako kay Invo, bakit naman sa AI pa ako dapat mag-ensayo at di nalang sa GG agad?
    Sagot: Alam mo, marami-rami na rin ang aking mga nakalaban sa LAN na pro sa dota ngunit kakasimula p lang mag-training ng invoker at sa LAN pa agad nagsimula. Ang kadalasang resulta, (score) 0-9+ deaths at di man lang makabuo ng PowerThreads (namamahalan na). Ang mas nakakahiya, sa LAN/GG ay puno ng masasakit na trashtalks (hal. "Hindi ka nman pala invoker - kundi inVOVOker!"). Ngunit kung sa AI maps ka mag-eensayo, sinong magsasalita ng masama sau? Wala. Hindi ka mapapahiya kahit gaano pa kalaking kamalian ang magawa mo. Dapat mo iyong maintindihan. Sinasabi ko sa iyo, inutil lamang ang hindi pinaghahandaan ang kanyang laban.

    Tanong: Paano ko mapapabilis ang aking typing speed upang mahusay kong magamit si Invo?
    Sagot: Pinakamabuti, gumamit ka ng isang typing tutor software. Ang isa sa mga paborito ko ay ang Typing Master Pro [full version]. Kapag natapos mo na ang lahat ng mga lessons dito, marunong ka ng mag-type nang di na tumitingin pa sa keyboard nang mabilis at walang pagkakamali (parang hacker). Matapos ko namang kumpletuhin ang software na yun sa isang linggo, ang typing speed ko na ay 50 wpm (words per minute) o katumbas ng limang letra/character bawat segundo. At sa pamamagitan nga niyon, magiging sisiw ang skills na Invoker kahit partida, nakapikit.

    Tanong: Sino ang pinakamabuting i-pangtapat kay invoker?
    Sagot: Actually, marami. Depende kasi yan sa diskarte mo, antas ng husay ng gumagamit ng Invoker at pati na ang kagalingan ng picks at teamwork ng allies nya. Lahat ng mga hero ay may kahinaan at yun ang gagamitin ng Invoker sa kalaban upang malabanan ka. Halimbawa, si Barathrum ay naka-counter ng Ghost Scepter o ng Eul's; si Doombringer ng Linken's sphere; si Bloodseeker ng TP scroll; si Silencer - nakokontra kapag inuna atbp. Kaya nga, nasa diskarte mo yan at antas ng galing ng team mates mo.

    Tanong: Paano labanan ang Invoker na kalaban?
    Sagot: Sadyang napakahirap makipaglaban sa isang skilled na Invoker! Ang tangi mong magagawa ay ang gumamit ng LinkenSphere upang mawalan ng silbi ang kanyang Tornado at hwag na mag-Hood o Avatar dahil lubhang MALAKI at mabilis ang damage ng normal attacks at ng sa summons nya. Gumamit din ng BladeMail at pindutin ito bago nya i-execute ang kanyang combo sa iyo. I-stun mo sya gamit ang Guinsoo o i-silence gamit ang OrchidMalevolence. Hwag mong kalimutang magdala ng DustOfAppearance palagi dahil may kakayahan syang magpa-invisible. Panghuli, palagi mong tingnan ang iyong MagicWand na item - kapag biglang nagka-charge ito, ibig sabhin nito ay may combo ng skill sa kanya na paparating sa iyo kaya umilag habang maaga pa!

    :::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::: :::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::: ::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

    5. TUNGKOL

    Tungkol sa sumulat nito, ako si Jim from Tagum City. Mahilig lang talaga akong sumulat kaya narito ito ngayon. My FB: akoangfirst@yahoo.com at dotaninjamoves@yahoo.com. My GG acount: Lv13 NinjaMovesPro [find and play with a ninja moves dota player like me q(>,<)p at Msk MI & MG!]. Kung di mo nagustuhan ang isinulat ko, sumulat kayo ng sa iyo. Kung ikaw naman ay nagtatarantado, para sa pag-ibig ng sumulat nito, umalis ka sa guide ko. Joke lang! ;]

    :::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::: :::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::: ::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

    6. PANGWAKAS (na salita ng may akda)

    Bilang isang batang bisaya/cebuano, medyo nahihirapan talaga akong magtagalog. >.<

    Sa gabay kong ito, kailangan ko ang inyong mga komento (hal., mga papuri, mga katanungan, mga pagtutol, o mga payo) at i-rate ito nang sa gayon ay malaman ko kung kulang pa ba o sakto na ang mga aral dito nang mas ma-improve ko pa para mapakinabangan ng lahat. //_^

    Maaring gusto mo ring mabasa ang isang guide ko pang ginawa para sa forum na ito. Narito ang link. Babala ko lang, ang guide na yan ay punong-puno ng kagaguhan. d(^(OO)^)b

    Naway ang katalinuhan at tunay na kapangyarihan ni Invoker ay magamit ninyo sa inyu-inyong pakikipag-dota. O pano, kita-kits nalang sa garena! (^,<)

    :::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::: :::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::: ::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
    End
    Attached Images
    Last edited by NinjaMovesPro; 11-04-2011 at 06:16 PM.
    DotA: Be Smart and Skilled

    "The only thing that can beat all the strategies is having fun. If you have fun, nothing can beat you. What you should spend time thinking about is how to be successful in your real life, not your DotA life. Just like any sport, DotA shouldn't be treated as a priority. Play it for fun and play it moderately."

  2. #2
    +R I think that's beautiful and useful xDD

  3. #3
    + ang ganda! lakas ng invoker guide mo dre xD

  4. #4
    ^ang lupet tagalog di ako mag no nosebleeeeed nc1

  5. #5
    kala ko sa naruto lang may ninjamoves may pinoy ninja rin pala, ikaw NinjaMovesPro hahaha D

    btw, your guide 4 me is excelent

  6. #6
    Quote Originally Posted by NinjaMovesPro View Post
    Sa pagkauhaw nya sa
    paghihiganti, ibinenta nya ang kanyang kaluluwa kay NerZhul at bilang
    kapalit, nakatanggap sya ng walang hanggang kapangyarihan.
    hahaha napakamakata ang galing mo mag translate gud job

  7. #7
    ty sa bagong skill builds at sa replays may natutunan akong bago kahit lv43 nako ahaha

  8. #8
    ganda ng guide mo dre kaya lang mahina kc talga kamay ko sayang naman.. :'(

  9. #9
    Quote Originally Posted by Kardel0007 View Post
    ganda ng guide mo dre kaya lang mahina kc talga kamay ko sayang naman.. :'(
    praktis lang yan toool

  10. #10
    sumasakit ang ulo ko sa haba! wala bang maikli? bleh =P

    however, marami kang matotolongan ehehe
    Last edited by Wag.Kang.Choosy; 09-21-2011 at 01:53 PM.

Bookmarks

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts